1
Salamat sa iyo, O nanansang irog,
kung halagahan mo itong aking pagod;
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.
2
Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,
palibhasa'y hilaw at mura ang balat;
nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.
3
Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
4
Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa't hulo,
at makikilalang malinaw at wasto.
5
Ang may tandang letra alinmang talata,
di mo mawatasa't malalim na wika,
ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga'y mapag-uunawa.
6
Hanggang dito ako, O nanasang pantas,
sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad;
Sa gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tula'y umalat.
Kay Celia
Kay Celia is the Dedication of Francisco Balagtas in the Florante at Laura in 22 stanzas.
Saturday, March 24, 2012
Wednesday, March 21, 2012
22 - Ikaw na bulaklak niring dilidili
KC-22
Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Celiang sagisag mo'y ang eMe A eRe
sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si eFe Be.
Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Celiang sagisag mo'y ang eMe A eRe
sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si eFe Be.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
21 - Ahon sa dalata't pampang na nagligid
KC-21
Ahon sa dalata't pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
Ahon sa dalata't pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
20 - Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai
KC-20
Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,
Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.
Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,
Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
19 - Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop
KC-19
Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop
tubo ko'y dakila sa puhunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.
Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop
tubo ko'y dakila sa puhunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
18 - Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
KC-18
Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
17 - Celia talastas ko't malabis na umid
KC-17
Celia talastas ko't malabis na umid
mangmang ang musa ko't malumbay ang tinig;
di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ang tainga't isip.
Celia talastas ko't malabis na umid
mangmang ang musa ko't malumbay ang tinig;
di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ang tainga't isip.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
16 - Itong di matiis na pagdaralita
KC-16
Itong di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa
ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.
Itong di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa
ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
15 - Bakit baga noong kami'y maghiwalay
KC-15
Bakit baga noong kami'y maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
kung gunitain ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Celia'y di ka mapaparam.
Bakit baga noong kami'y maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
kung gunitain ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Celia'y di ka mapaparam.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
14-Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
KC-14
Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami'y bakit di lumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?
Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami'y bakit di lumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
13 - Anupa nga't walang di nasisiyasat
KC-13
Anupa nga't walang di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha'y lalagaslas,
sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"
Anupa nga't walang di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha'y lalagaslas,
sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
12- Parang naririnig ang lagi mong wika
KC-12
Parang naririnig ang lagi mong wika
"Tatlong araw na di nagtatanaw-tama,"
at sinasagot ko ng sabing may tuwa
"Sa isa katao'y marami ang handa."
Parang naririnig ang lagi mong wika
"Tatlong araw na di nagtatanaw-tama,"
at sinasagot ko ng sabing may tuwa
"Sa isa katao'y marami ang handa."
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
11 - Nagbabalik mandi't parang hinahanap
KC-11
Nagbabalik mandi't parang hinahanap
dito ang panahong masayang lumipas:
na kung maliligo'y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
Nagbabalik mandi't parang hinahanap
dito ang panahong masayang lumipas:
na kung maliligo'y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
10 - Nililigawan ko ang iyong larawan
KC-10
Nililigawan ko ang iyong larawan
sa Makatang Ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do'ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
Nililigawan ko ang iyong larawan
sa Makatang Ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do'ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
9 - Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik
KC-9
Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik
sa buntunghininga nang ikaw'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring langit,
paraiso naman ang may-tulong silid.
Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik
sa buntunghininga nang ikaw'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring langit,
paraiso naman ang may-tulong silid.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
8 - Di mamakailang mupo ang panimdim
KC-8
Di mamakailang mupo ang panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw.
Di mamakailang mupo ang panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
7 - Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
KC-7
Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
sa lansanga't nayong iyong niyapakan;
sa ilog Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw.
Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
sa lansanga't nayong iyong niyapakan;
sa ilog Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
6-Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel
KC-6
Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at di mananakaw magpahanggang libing.
Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at di mananakaw magpahanggang libing.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
5 - Ngayong namamanglaw sa pangungulila
KC-5
Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.
Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
4 - Lumipas ang araw na lubhang matamis
KC-4
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang matira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang matira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
Monday, March 19, 2012
3 - Makaligtaan ko kayang di basahin
KC-3 Makaligtaan ko kayang di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
2 - Yaong Celiang laging pinanganganiban
KC-2 Yaong Celiang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
Labels:
Bersong Tagalog,
Florante at Laura,
Kay Celia
Subscribe to:
Posts (Atom)